Oy mga friends! Eto updated version ng English-Tagalog dictionary
- Contemplate - kulang ang mga pinggan
- Punctuation - pera para maka-enrol
- Ice Buko - nagtatanong kung ayos na ang buhok
- Tenacious - sapatos na pang tennis
- Calculator - tawagan kita mamaya
- Devastation - sakayan ng bus
- Protestant - Tindahan ng prutas
- Statue - Ikaw ba yan?
- Tissue - Ikaw nga!
- Predicate - Pakawalan mo ang pusa
- Dedicate - Pinatay ang pusa
- Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo
- Deduct - Ang pato
- Defeat - Ang paa (ng pato?)
- Detail - Ang buntot (ng pato?)
- Deposit - Gripo (Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)
- City - Bago mag-utso; A number to follow 6
- Cattle - Doon nakatila ang Hali at Leyna
- Persuading - Unang Kasal
- Depress - Ang nagkasal sa PERSUADING
- Defense - Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata sa PERSUADING
- It Depends - Kainin mo ang bakod
- Shampoo - Bago mag-labing-isha (11)
- Delusion - Maluwang (kapag maluwang ang damit, eh DELUSION)
- Delivery - Walang bayad. Kapag working lunch, eh DELIVERY na ang
- Profit - Patunayan mo
- Balance Sheet - What comes out after eating a balance diet
- Backlog - bacon saka egg
- Beehive - magpakatino ka
- CD-ROM - tingnan mo ang kwarto
- Debug - ang ipis
- Defrag - ang palaka
- Defense - ang bakod
- Defer - ang balahibo
- Deflate - ang plato
- Detest - ang eksamin
- Devalue - ‘yon ang susunod sa letrang V
- Devote - ang boto
- Dilemma - brownout!, a!
- Effort - ‘dun nagla-land ang efflane
- Forums - apat na kwarto
- July - nagsinungaling ka ba?
- Liturgy - what comes after litur F
- Thesis - ito ay…
Dear Dad,
Ipagpaumanhin nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na ako’y aalis na sa inyong poder. Ako’y sasama na sa aking bagong boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark and tunay na pagmamahal at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay magugustuhan nyo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit.
Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal na mahal, eto ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto nyang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and edad nya diba?) kahit na wala syang pera, di naman eto hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad?
Syanga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din syang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na namin ang trailer, at marami na rin syang stock na panggatong para magamit namin sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang girlfriend pero alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa aking ambisyon.
Tinuruan na nga pala nya akong humithit ng marijuana at masarap ang pakiramdam, sa katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming mga kaibigan ng shabu, ecstasy na gusto namin.
Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala Dad 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili. Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.
Nagmamahal mong anak,
Clare
PS: Dad, hindi totoo ang mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa buhay kesa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan mo ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.
I love you