Kung Pinoy si Noah….

Posted by Mike Lopez under Pinoy Jokes
4 Comments
Jun 2006
20
08:05pm


Malamang, ganito ang mangyayari sa arko kung Pinoy si Noah.

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.  Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas.  Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t-ibang kapuluan.”  Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.  Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?”

Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation”.  Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA.  Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”.

“Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.  Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.” Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.  Hayaan ko na lang kayong sumira nito.”



Jun 2006
14
10:38am

Nagkaroon ng exam ang agencies ng USA para malaman kung sino sa mga agencies ang magaling mag execute ng man-hunt. Ang mga participants ay:

  • NYPD = New York Police Department, USA
  • FBI = Federal Bureau of Investigation, USA
  • CIA = Central Intelligence Agency, USA
  • PNP = Philippine National Police, Phil (Special International Guest Participant)

Isang puting rabbit ang papakawalan sa isang gubat. Each agency will be given three (3) months to find the rabbit.

Unang grupong contestant, NYPD.

Pumasok sa gubat ang kanilang search and rescue squad, S.W.A.T., at pinalibutan ng mga police ang buong gubat. Ipinasok rin nila sa gubat ang kanilang detectives, at experts sa paghahanap ng nawawala.

After 3 months, lumabas ang NYPD sa gubat.

Nag release sila ng press statement, “After 3 months of intensive search for the white rabbit, we regret to inform you that because the rabbit had a head start, it was able to elude our units, and was able to pass through our dragnet. The rabbit has escaped.”

Next ang FBI.

Pumasok rin sa gubat mga FBI, dala dala ang mga helicopters, mga sniffing dogs, at sari saring experts para hanapin ang rabbit.

After 3 months, lumabas ang FBI sa gubat.

Nag release rin sila ng press statement, “After 3 months of finding the white rabbit, we had some interesting leads. However, as we  were closing in on its location, somebody must have tipped it off, and it was able to elude us by disguising as a deer. The rabbit has escaped.”

Next ang CIA.

Pumasok ang CIA, at dahil meron silang special powers to request assistance from the US Military, dinala na rin nila ang US Army para tulungan sila sa paghanap.

After 3 months of firefight, bombing, and special operations, lumabas ang CIA sa gubat.

Sabi nila sa press statement, “We used everything at our disposal. We didn’t leave any stone unturned. We bombed  everything in sight. I’m sure, you will not find any rabbit there anymore. He’s probably scattered all around the forest in tiny little pieces!”

Last, but not least, the PNP.

Napatawa ang ibang agencies dahil ang pumasok lang sa gubat na PNP ay lima lang.

Pero laking gulat na lang nila dahil next day mismo, lumabas ang PNP, dala dala ay isang grizzly bear, na naka posas, bugbog sarado ang mukha, halos sarado ang isang mata dahil sa bugbog, dugu-an, at sumisigaw, “OO NA! OO NA!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!! AKO ANG WHITE RABBIT!!!”


Dagohoy story

Posted by Mike Lopez under Pinoy Jokes
No Comments
Jun 2006
02
08:44am

It was the first day of school in Washington, DC and a new student by the name of Dagohoy, the son of a Filipino immigrant, entered the fourth grade.

The teacher began, “Let’s review some American history, class. Who said ‘Give me liberty or give me death?’” She saw a sea of blank faces, except for Dagohoy’s who had his hand up, “Patrick Henry, 1775.” “Very good,” said the teacher.

“Who said ‘Government of the people, by the people, and for the people shall not perish from the earth’”? Again, no response except from Dagohoy: “Abraham Lincoln, Gettysburg, 1863,” he said.

The teacher snaps at the class, “Class, you should be ashamed, Dagohoy who is new to our country knows more about our history than you do.”

She hears a loud whisper from the back: “Screw the Filipinos.” “Who said that?” she demanded. Dagohoy put his hand up. “General John Pershing, Manila, 1896.”

At that point, Jack, another student says, “I’m going to puke.”

The teacher glares and asks, “All right! Now who said that?” Again Dagohoy answers, “George Bush, Sr. to the Japanese Prime Minister during the state dinner, Tokyo, 1991.”

Now furious another student yells, “Oh yeah? Suck this!!” Dagohoy jumps out of his chair waving his hand and shouts to the teacher at the top of his voice, “Bill Clinton to Monica Lewinsky, the Oval Office, 1997!!”

Someone shouts, “You little shit if you say anything else, I’ll kill you.” Dagohoy yells, “Congressman Gary Condit to Chandra Levy,Washington, D.C., 2001!”

The teacher faints. “I’m outta here!” mutters one student as he slides to the door. “President Gloria Macapagal Arroyo, Baguio City, December 30, 2002!!” Dagohoy responds.

As the class gathers around her on the floor, someone says, “Oh shit, now we’re really in big trouble!” “Saddam Hussein, on the Iraq invasion, Bhagdad, May 2003!” Dagohoy bellowed.

“Now, I really have to run,” Jack mutters, heading for the exit., “Gloria Macapagal Arroyo again, Pampanga, October 4, 2003!!!” Dagohoy shouts triumphantly jumping with glee.